Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na #kontemporaryongisyu

Diskriminasyon: Ang Aking Karanasan

     Noong ako ay nag-aaral sa elementarya, masasabing isa ako sa mga nangunguna sa klase. Lumalaban sa mga paligsahan sa labas ng paaralan at may matataas na grado. Sinasabi ng ilan kong mga kaklase sa akin na ako ay ‘masyadong seryoso’, ‘puro aral’, ‘tahimik’, ‘kj’. Noong una ay hindi ko pinansin, hindi naman ako malapit sa kanila eh, ano namang pakialam ko. Hanggang sa isang araw, nagkaayaan ang aking mga kaibigan na pumunta sa bahay ng kaklase ko. Inaya ako, at kapag nagsabi ako sa magulang ko, alam kong papayagan nila ako. Subalit hindi ako sumama. Naiintindihan ito ng mga kaibigan ko. Hindi naman nila ako pinilit, inasar, o ginuilt trip, pero dito, napaisip ako, talaga bang hindi ako marunong magsaya?       Sinubukan ko. Sinubukan kong sumama sa mga lakad at sinubukan kong hindi masyadong seryosohin ang pag-aaral ko. Ako ay nagpadala saglit sa agos nila dahil hindi din katagalan, naisip ko, maaaring masaya nga iyon ngunit hindi iyon ang pagkatao ...

Terorismo sa Pilipinas

     Nakakatakot na ang terorismo sa ating bansa. Sinasabing suicide bombing na daw ang bagong mukha nito. Nakakalungkot na ang terorismo dito sa atin ay umaabot na sa puntong handa na ang mga tao na kitilin ang sarili nilang buhay, para lamang maiparating ang mensahe ng grupo ng mga terorista.      Sana ay matapos na ito. Masyado ng maraming buhay ang nadadamay dahil dito. Ang mga taong tunay na ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa maayos at mapayapang paraan ay napagkakamalan na din ng iba bilang isang terorista. Ito ay hindi maganda dahil malalagay sa panganib ang kaniyang buhay at maaari siyang makulong o patayin ng kung sino man. Isa pa ay ang mga estudyanteng aktibista at hindi. Laganap ngayon ang balita tungkol sa mga paaralan na tinukoy bilang recruitment zone ng mga terorista. Ang pagrered tag na ito sa mga estudyante o dating estudyante ng mga unibersidad tulad ng UP at PUP ay maaaring magdala ng takot sa bawat estudyante na ipahayag ang kanila...

Territorial Dispute: a research paper

 I. ABSTRAK      Lumipas man ang taon, ang pag-aagawan sa teritoryo ng mga bansa ay hindi pa din matigil-tigil. Ang pananaliksik na ito ay nilalayong maibigay ang pananaw ng dalawang partidong, Pilipinas at Tsina, pinagtatalunan ang parte ng South China Sea na Kalayaan Island Group (KIG) at Scarborough Shoal. Tinatalakay din dito ang mga ebidensya at argumentong pinanghahawakan ng dalawa para lamang mapatunayan na sila ang dapat na mamahala at mag may-ari sa naturing na lugar. Dagdag pa sa mga isinama dito ay ang ilan sa kasaysayan na nangyari sa patuloy na diskurso sa pag-aagawan ng dalawang bansa, pati na ang ilang mga napapabalita na pangyayari sa mismong teritoryong pinag-aagawan. II. INTRODUKSIYON       1 Ang South China Sea ay isang marhinal na dagat na bahagi ng Karagatang Pasipiko, na may lawak na mahigit-kumulang 3.5 milyong kilometrong kuwadrado. Idineklara ng Tsina na kanila ang dagat na iyon sa pamamagitan ng kanilang lumang mapa. Ito ...

Globalisasyon: summary paper

     Ang globalisasyon ay tumutukoy sa malaya at malawak na koneksyon sa mga gawaing pampulitika, pangkultura, panteknolohiya, pang-ekonomiya, at panlipunan ng mga tao at gobyerno sa buong mundo. Umusbong at patuloy na lumalaganap ang kilos na ito sa tulong ng mga pandaigdigang gawain at interaksyon sa pagitan ng mga bansa, tulad ng pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan, paglawak ng kalakalan ng trans-national corporations, pagdami ng foreign direct investments, paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi, pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigang transportasyon at komunikasyon, at paglaganap ng makabagong teknolohiya. May limang aspeto din ang globalisasyon. Ito ay ang komunikasyon, paglalakbay, popular na kultura, ekonomiya, at pulitika. Ang mga nabanggit ay ang nagsisilbing pamamamaraan para lumago at mapalawig ang ekonomiya at kultura ng isang bansa.           Ang gawaing ito ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto para sa iba’t iban...

Child Maltreatment Advocacy: summary

     Child maltreatment includes physical abuse, sexual abuse, emotional/ psychological abuse, and child neglect. By child, it is pertaining to people whose ages are below 18, or what is known as the “minors.”      Multiple cases for the past years, or even decades, has been filed and reported. Studies have shown that residence is the main location where most child abuse cases have occurred. Some got out, some got jailed and killed. Continuity of this issue signifies the lack of humanity on Earth and the injustice that is happening within the system.      Some studies have said that being abused may lead to a greater chance of being an abuser or a criminal one day but other reports have proven that it is still based on the environment they were exposed to and how they cope up.      On the contrary, parents, who were supposed to guide them, were said to be the largest percentage of abusers. They may seem intimidating but if you ...

Kailangan na nating kumilos, ang oras ay nauubos...

Imahe
     Pamilyar ka ba sa salitang climate change? Maaaring alam mo na kung ano iyon, pero naiintindihan mo ba? Kung oo, kumikilos ka na ba?      Ang climate change ay ang pagbabago ng klima sa di-pangkaraniwang paraan. Hindi ito isang haka-haka lamang. Ito ay may pangmatagalang epekto, tulad ng matinding pag-init ng mundo, na maaring magdulot ng mas malalang delubyo. Ang kadalasang sanhi naman nito ay  ang labis na paggamit ng fossil fuels (tulad ng coal at oil) na naglalabas ng greenhouse gases (tulad ng Carbon dioxide), pagpuputol ng mga puno, at ang pagpatay sa mga hayop, na siyang dapat kumukuha ng mga CO2. Kasi kapag nakarating na sa atmosphere ang higit sa normal na dami ng greenhouse gases, higit sa normal din ang init na maaabsorb nito mula sa enerhiya ng araw, na siyang magiging dahilan kung bakit mas umiinit ang mundo.       Nabalitaan mo ba ang  wildfire sa Amazon Rainforest noong 2019? Bushfire sa Australia last year?...

Mga Nakaraang Kalamidad: Reaksiyon

 a. Bagyo Source: https://newsinfo.inquirer.net/1361580/damage-caused-by-ulysses-in-marikina-city-estimated-at-p30b Reaction:      Ang Bagyong Ulysses ay masasabi nating isa sa pinakamakapinsalang bagyo na tumama sa ating bansa ngayong taon. Maraming buhay ang nawala dahil sa mga naging epekto nito dahilan kaya ako ay natatakot para sa ating mga kalagayan. Buhay, bahay, at kabuhayan ang kinuha nito sa ilan nating kababayan at alam din nating malaki ang tyansa na hindi ito ang huling bagyo na ating matatamasa. Ulit ulit na lang ba ang mangyayari? Ilang buhay ba ang kailangan isakripisyo bago tayo kumilos? Opo at hindi natin mapipigilan ang kalamidad ngunit may magagawa pa tayo para kahit papaano ay maging ligtas ang lahat sa gitna ng bagyo. Aking hinihiling na sana ay magkaisa na ang mga tao at otoridad. Sana ay unawain na nila ang isa’t isa at magtulong tulong na makabuo ng solusyon para dito. b. Baha Source: https://www.nytimes.com/2020/11/18/world/asia/philippines...

Kontemporaryong Isyu

    Nagustuhan ko ang naging pagtalakay namin tungkol sa mga kontemporaryong isyu dahil ako ay namulat sa iba’t ibang pananaw na hindi ko nabibigyang pansin noon. Batay sa aming talakayan at video na napanood, mahalaga na may alam kami sa mga isyu sa loob at labas ng bansa.      Ako naman ay sumasang-ayon dito dahil, sa aking palagay, dapat nga naman na tayo ay maging edukado tungkol sa mga isyu sa ating mundo para malaman natin kung paano tayo makatutulong sa pagresolba nito o kaya kung tayo ba ay isa sa mga dahilan kung bakit ito ay patuloy na nangyayari. Maaari tayong magbasa ng pahayagan, makinig sa radyo, manood ng balita sa telebisyon o di kaya ay makibalita gamit ang social media ngunit dapat ay siguraduhin natin na tama at angkop ang ating mga nababalitaan.      Natutunan ko na dapat pala ay marunong akong maghanap ng impormasyon tungkol sa isang isyu at hindi lamang nakabase...

Kontemporaryong Isyu: Mga Larawan o Simbolo

Imahe
PHOTOS ARE NOT MINE. Credits: https://images.app.goo.gl/FnhyE3tnAMJaDHPi7 https://christelynsotelohome.files.wordpress.com/2018/11/corruption.jpg https://images.app.goo.gl/fTfNCfFL8vViZjk69 https://images.app.goo.gl/F2UE7TKZMun6gZxf6

Globalisasyon

  1. Ano ang mahihinuha mo mula sa larawan?      - Mula sa lalrawan mahihinuha ko ang mga mabubuti at masamang epekto ng globalisasyon pati na ang kahulugan nito. At batay dito, masasabi kong ang globalisasyon ay sapot ng koneksyon ng iba’t ibang bans ana maaaring magdulot ng ikauunlad o ikababagsak ng inyong bansa. 2. Ano ang kahulugan ng globalisasyon? Nakabubuti ba ito o nakasasama sa mga  tao at mga bansa?     -  Ang globalisasyon ay tumutukoy sa interaksyon at koneksyon ng mga tao at gobyerno sa buong mundo. Sa aking pananaw, ito ay parehong nakabubuti at nakasasama sa isang bansa at sa mga taong naninirahan dito. Tulad na lamang nito, ang mga kultura mula sa iba’t ibang bansa ay maganda at maaaring magpayaman ng kultura ng isang bansa ngunit maari din itong maging dahilan ng sobrang pagtangkilik ng mga tao sa kulltura ng iba at baka malimutan na nila ang sariling kultura. Pagkakaroon ng magandang koneksyon at tulong mula sa ibang bansa tulad...

Unemployment: Sanhi at Bunga

Imahe
  P. Joshielle

Kalamidad: Uri, Epekto, at Paano maiiwasan

Imahe
  P. Joshielle

Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas

Imahe
Ano ang Pinakamahalagang Kontemporaryong  Isyu sa Pilipinas ngayon?        Para sa akin, ang pinakamahalaga dito ay ang korapsyon. Una sa lahat, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ‘korapsyon’? Ayon sa presentasyon ni Allyssa Unilongo, ito ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan sa responsibilidad at may mga uri ito: a) pagtakas sa pagbabayad ng buwis; b) mga ghost project at pasahod; c)pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mgakontrata; d)pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa; e) nepotismo at paboritismo; f) pangingikil; g) suhol o lagay.       Opo, kasama sa mga nilista ko ang Covid-19 at isa iyon sa mga pinakamahalagang isyu ngayon ngunit dahil hindi na natin ito basta bastang mapipigilan sa isang iglap ngayong malala na ito at hindi na masyadong disiplinado ang mga tao ukol dito. Mas pinili kong bigyang pansin ang korapsyon sakadahilanang, para sa akin, kung kakayanin ng goby...