Kontemporaryong Isyu

    Nagustuhan ko ang naging pagtalakay namin tungkol sa mga kontemporaryong isyu dahil ako ay namulat sa iba’t ibang pananaw na hindi ko nabibigyang pansin noon. Batay sa aming talakayan at video na napanood, mahalaga na may alam kami sa mga isyu sa loob at labas ng bansa. 
    Ako naman ay sumasang-ayon dito dahil, sa aking palagay, dapat nga naman na tayo ay maging edukado tungkol sa mga isyu sa ating mundo para malaman natin kung paano tayo makatutulong sa pagresolba nito o kaya kung tayo ba ay isa sa mga dahilan kung bakit ito ay patuloy na nangyayari. Maaari tayong magbasa ng pahayagan, makinig sa radyo, manood ng balita sa telebisyon o di kaya ay makibalita gamit ang social media ngunit dapat ay siguraduhin natin na tama at angkop ang ating mga nababalitaan. 
    Natutunan ko na dapat pala ay marunong akong maghanap ng impormasyon tungkol sa isang isyu at hindi lamang nakabase ang aking opinion sa mga narinig kong sabi-sabi dahil, nakalulungkot man, mayroon pa din ang gumagamit ng kanilang kapangyarihan at kakayahan para linlangin ang mga tao tungkol sa mga isyung panlipunan kaya ako ay natuwa dahil kami ay nabigyan ng patnubay kung paano nga ba kilatisin ang mga isyung naririnig, nababasa, o nakikita dahil hindi nga naman lahat ng tunay at patas na naibalita. 
    Sa pamamagitan nito, nang pagpa-fact check, masisiguro natin na tama ang mga balitang nakararating sa atin dahil delikado kung tayo ay mabubuhay sa anino ng mga ito. Para sa akin, sana ay mas marami pang tao ang makapanood nito para naman, kahit paunti-unti, magkaroon ng pagbabago sa ating sistema na sa atin mismo magsisimula.


P. Joshielle

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas

Political Dynasty sa Pilipinas