Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na #climatechange21

Kailangan na nating kumilos, ang oras ay nauubos...

Imahe
     Pamilyar ka ba sa salitang climate change? Maaaring alam mo na kung ano iyon, pero naiintindihan mo ba? Kung oo, kumikilos ka na ba?      Ang climate change ay ang pagbabago ng klima sa di-pangkaraniwang paraan. Hindi ito isang haka-haka lamang. Ito ay may pangmatagalang epekto, tulad ng matinding pag-init ng mundo, na maaring magdulot ng mas malalang delubyo. Ang kadalasang sanhi naman nito ay  ang labis na paggamit ng fossil fuels (tulad ng coal at oil) na naglalabas ng greenhouse gases (tulad ng Carbon dioxide), pagpuputol ng mga puno, at ang pagpatay sa mga hayop, na siyang dapat kumukuha ng mga CO2. Kasi kapag nakarating na sa atmosphere ang higit sa normal na dami ng greenhouse gases, higit sa normal din ang init na maaabsorb nito mula sa enerhiya ng araw, na siyang magiging dahilan kung bakit mas umiinit ang mundo.       Nabalitaan mo ba ang  wildfire sa Amazon Rainforest noong 2019? Bushfire sa Australia last year?...