Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na #reaksiyon

Diskriminasyon: Ang Aking Karanasan

     Noong ako ay nag-aaral sa elementarya, masasabing isa ako sa mga nangunguna sa klase. Lumalaban sa mga paligsahan sa labas ng paaralan at may matataas na grado. Sinasabi ng ilan kong mga kaklase sa akin na ako ay ‘masyadong seryoso’, ‘puro aral’, ‘tahimik’, ‘kj’. Noong una ay hindi ko pinansin, hindi naman ako malapit sa kanila eh, ano namang pakialam ko. Hanggang sa isang araw, nagkaayaan ang aking mga kaibigan na pumunta sa bahay ng kaklase ko. Inaya ako, at kapag nagsabi ako sa magulang ko, alam kong papayagan nila ako. Subalit hindi ako sumama. Naiintindihan ito ng mga kaibigan ko. Hindi naman nila ako pinilit, inasar, o ginuilt trip, pero dito, napaisip ako, talaga bang hindi ako marunong magsaya?       Sinubukan ko. Sinubukan kong sumama sa mga lakad at sinubukan kong hindi masyadong seryosohin ang pag-aaral ko. Ako ay nagpadala saglit sa agos nila dahil hindi din katagalan, naisip ko, maaaring masaya nga iyon ngunit hindi iyon ang pagkatao ...

Terorismo sa Pilipinas

     Nakakatakot na ang terorismo sa ating bansa. Sinasabing suicide bombing na daw ang bagong mukha nito. Nakakalungkot na ang terorismo dito sa atin ay umaabot na sa puntong handa na ang mga tao na kitilin ang sarili nilang buhay, para lamang maiparating ang mensahe ng grupo ng mga terorista.      Sana ay matapos na ito. Masyado ng maraming buhay ang nadadamay dahil dito. Ang mga taong tunay na ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa maayos at mapayapang paraan ay napagkakamalan na din ng iba bilang isang terorista. Ito ay hindi maganda dahil malalagay sa panganib ang kaniyang buhay at maaari siyang makulong o patayin ng kung sino man. Isa pa ay ang mga estudyanteng aktibista at hindi. Laganap ngayon ang balita tungkol sa mga paaralan na tinukoy bilang recruitment zone ng mga terorista. Ang pagrered tag na ito sa mga estudyante o dating estudyante ng mga unibersidad tulad ng UP at PUP ay maaaring magdala ng takot sa bawat estudyante na ipahayag ang kanila...

Political Dynasty sa Pilipinas

   Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, laganap ang political dynasty sa Pilipinas. Ang mga angkan tulad ng kina Cayetano, Duterte, Ynares, Eusebio at Estrada ay ilan lamang sa mga pamilya na may malaking pagkakasangkot sa politika dito sa Pilipinas. May ilan na nagagalit sa sistemang ito, meron din namang natutuwa.    Una sa lahat, ito ang ilan sa mga positibong epekto na mapapala ng gobyerno at ng tao sa isang political dynasty. Ang pagpapatuloy ng paggawa ng mga proyekto sa kanilang lugar. Dahil maalis man sa pwesto ang kasalukuyang namumuno, kung ang papalit naman ay ang kanyang anak, hindi malabong ipagpatuloy nito ang pagpapagawa ng proyekto ng kaniyang magulang. Pangalawa ay ang pagkakaisa at pagkakasundo ng mga namamahala. Kung siya ang pinuno at ang asawa naman niya ang bise, mas maayos na komunikasyon at koneksyon ang mabubuo sa kanila bilang lider ng lugar. Ikatlo, maayos na kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mamamayan. Kung ang isang tao ay na...

Mga Nakaraang Kalamidad: Reaksiyon

 a. Bagyo Source: https://newsinfo.inquirer.net/1361580/damage-caused-by-ulysses-in-marikina-city-estimated-at-p30b Reaction:      Ang Bagyong Ulysses ay masasabi nating isa sa pinakamakapinsalang bagyo na tumama sa ating bansa ngayong taon. Maraming buhay ang nawala dahil sa mga naging epekto nito dahilan kaya ako ay natatakot para sa ating mga kalagayan. Buhay, bahay, at kabuhayan ang kinuha nito sa ilan nating kababayan at alam din nating malaki ang tyansa na hindi ito ang huling bagyo na ating matatamasa. Ulit ulit na lang ba ang mangyayari? Ilang buhay ba ang kailangan isakripisyo bago tayo kumilos? Opo at hindi natin mapipigilan ang kalamidad ngunit may magagawa pa tayo para kahit papaano ay maging ligtas ang lahat sa gitna ng bagyo. Aking hinihiling na sana ay magkaisa na ang mga tao at otoridad. Sana ay unawain na nila ang isa’t isa at magtulong tulong na makabuo ng solusyon para dito. b. Baha Source: https://www.nytimes.com/2020/11/18/world/asia/philippines...

Kontemporaryong Isyu

    Nagustuhan ko ang naging pagtalakay namin tungkol sa mga kontemporaryong isyu dahil ako ay namulat sa iba’t ibang pananaw na hindi ko nabibigyang pansin noon. Batay sa aming talakayan at video na napanood, mahalaga na may alam kami sa mga isyu sa loob at labas ng bansa.      Ako naman ay sumasang-ayon dito dahil, sa aking palagay, dapat nga naman na tayo ay maging edukado tungkol sa mga isyu sa ating mundo para malaman natin kung paano tayo makatutulong sa pagresolba nito o kaya kung tayo ba ay isa sa mga dahilan kung bakit ito ay patuloy na nangyayari. Maaari tayong magbasa ng pahayagan, makinig sa radyo, manood ng balita sa telebisyon o di kaya ay makibalita gamit ang social media ngunit dapat ay siguraduhin natin na tama at angkop ang ating mga nababalitaan.      Natutunan ko na dapat pala ay marunong akong maghanap ng impormasyon tungkol sa isang isyu at hindi lamang nakabase...