Territorial Dispute: a research paper
I. ABSTRAK Lumipas man ang taon, ang pag-aagawan sa teritoryo ng mga bansa ay hindi pa din matigil-tigil. Ang pananaliksik na ito ay nilalayong maibigay ang pananaw ng dalawang partidong, Pilipinas at Tsina, pinagtatalunan ang parte ng South China Sea na Kalayaan Island Group (KIG) at Scarborough Shoal. Tinatalakay din dito ang mga ebidensya at argumentong pinanghahawakan ng dalawa para lamang mapatunayan na sila ang dapat na mamahala at mag may-ari sa naturing na lugar. Dagdag pa sa mga isinama dito ay ang ilan sa kasaysayan na nangyari sa patuloy na diskurso sa pag-aagawan ng dalawang bansa, pati na ang ilang mga napapabalita na pangyayari sa mismong teritoryong pinag-aagawan. II. INTRODUKSIYON 1 Ang South China Sea ay isang marhinal na dagat na bahagi ng Karagatang Pasipiko, na may lawak na mahigit-kumulang 3.5 milyong kilometrong kuwadrado. Idineklara ng Tsina na kanila ang dagat na iyon sa pamamagitan ng kanilang lumang mapa. Ito ...