Territorial Dispute: a research paper

 I. ABSTRAK

    Lumipas man ang taon, ang pag-aagawan sa teritoryo ng mga bansa ay hindi pa din matigil-tigil. Ang pananaliksik na ito ay nilalayong maibigay ang pananaw ng dalawang partidong, Pilipinas at Tsina, pinagtatalunan ang parte ng South China Sea na Kalayaan Island Group (KIG) at Scarborough Shoal. Tinatalakay din dito ang mga ebidensya at argumentong pinanghahawakan ng dalawa para lamang mapatunayan na sila ang dapat na mamahala at mag may-ari sa naturing na lugar. Dagdag pa sa mga isinama dito ay ang ilan sa kasaysayan na nangyari sa patuloy na diskurso sa pag-aagawan ng dalawang bansa, pati na ang ilang mga napapabalita na pangyayari sa mismong teritoryong pinag-aagawan.

II. INTRODUKSIYON 

    1Ang South China Sea ay isang marhinal na dagat na bahagi ng Karagatang Pasipiko, na may lawak na mahigit-kumulang 3.5 milyong kilometrong kuwadrado. Idineklara ng Tsina na kanila ang dagat na iyon sa pamamagitan ng kanilang lumang mapa. Ito ay nagpapakita ng siyam na guhit, orihinal na labing-isa, na sumasakop sa buong dagat na iyon, bilang pruweba. Subalit sa laki at likas na yaman na taglay nito, maraming karatig na bansa ang naghahabol ng kanilang parte. At isa na nga dito ay ang Pilipinas. Ang inilalaban naman ng Pilipinas ay ang parte ng South China Sea na sakop ng kanilang EEZ (Exclusive Economic Zones), tulad ng Scarborough Shoal at hilaga ng Spratly Island, o kilala din bilang Kalayaan Island Group (KIG). 

    Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mag-ulat tungkol sa mga kasaysayan, pangyayari, dahilan, at ebidensya ng dalawang bansa sa pag-angkin ng mga isla sa naturing na dagat at makapagbigay ng kalinawan sa kung sino nga ba ang karapat-dapat na magmay-ari nito.

III. DISKUSYON

    2Ang Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc kung tawagin, ay isang bato sa South China Sea na nas humigit-kumulang na 120 nautical miles sa kanluran ng isla ng Luzon ng Pilipinas. Samantala, ang Kalayaan Island Groups naman ay 3binubuo ng mga isla na humigit kumulang 280 nautical miles. 

    Noong 1939, dahil sa World War II, ilang bansa na din ang sumubok na sakupin ang ibang mga isla sa South China Sea mula sa China at ang nagtagumpay dito ay ang Japan. Ngunit makalipas ang 12 na taon, kanilang pinirmahan ang kasunduan sa San Francisco. 4Ito ang kasunduan kung saan binitawan na ng Japan ang South China Sea at ang mga islang nakapaloob dito, ngunit hindi sila nagbibigay ng malinaw na tagapamahala. 5At ito na nga ang sinasabi nilang puno’t dulo ng pag-aagawan ng mga bansa sa mga parte ng South China Sea. 

    Taong 1958 naman nang ilathala ng Tsina ang "Declaration of the Government of the People's Republic of China on China's Territorial Sea", 6na siyang nagpapaliwanag ng kanilang salaysay tungkol sa “nine-dash line” at sa labindalawang milyang pandagat na lawak ng teritoryo sa tubig, na sumasakop sa nagyong tinatawag na South China Sea. Ang ideyang ito ay mula pa sa mapa na siyang guhit ng nasyonalistang gobyerno, halos pitong dekada at kalahati na ang nakakaraan. Dagdag pa dito, isa din sa kanilang mga naging argumento ay ang kasaysayan ng pangingisda ng mga sinaunang tsino sa Spratly Islands, na siyang nagpapatunay na maaaring ipinamana ito sa kanila ng kanilang mga ninuno.

    Ngunit bago magtaas ng deklarasyon ang China noong 1958, 7isang abogado at manlalakbay na Pilipino ang napunta sa KIG noong 1947. Taong 1956 naman nang inangkin ito. Dahil nga siya ay isang abogado, agad siyang nakagawa ng ligal na dokumento para dito. Nakadagdag din na walang may-ari nito dahil walang iniatas ang Japan.aat na araw, ipinabatid niya ito sa lahat sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe at kaniyang tinawag ang teritoryong iyon na, “The Free Territory of the Freedomland”, na siya namang sinuportahan ng dating pangulong Elpidio Quirino. Ito ay nagresulta ng pagkontra mula sa mga karatig na bansa, tulad ng Taiwan, Vietnam, at iba pa. 

    Ang Pilipinas noon ay walang pakialam sa naturing na lugar, hindi sila naghayag ng pagnanais dito at hinayaan lamang si Cloma. Subalit nang dumating ang pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos, nalaman niya ang tungkol dito. 8Taong 1974, si Cloma ay nakulong, sa kasong “ursupation of authority”, at nakalaya lamang ng ipagbili niya ang ‘Freedomland’ sa gobyerno, sa halagang isang piso. Nang mapatignan na ng presid nte ang potensyal nito, sa pamamagitan ng Presidential decree no.1596, 9idineklara ni Marcos ang soberanya ng Pilipinas sa Kalayaan Island Groups (KIG).

    Ang UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) ay 10isang kasunduang pandaigdig na nabuo noong 1982, ngunit hindi lahat ng bansa ay nakiisa at pumirma dito. Sinasabi sa batayang ito na para makonsiderang teritoryo ng isang bansa ang pinag-uusapan, dapat ito ay nasa na loob ng 12 milyang layo mula sa kanilang daungan. At para naman maituring na parte ng kanilang EEZ, ito ay inaasahang hanggang 200 milyang layo lamang mula sa kanilang baybayin. 11Ayon sa UNCLOS, ang Exclusive Economic Zone ay ang teritoryo ng isang bansa kung saan sila ay may karapatan at kalayaang kumuha at lumikom ng mga likas na yaman.

    Kung ito ang pagbabasehan, ang Pilipinas ay mas naaayon na magkaroon ng karapatan sa silangang parte ng South China Sea dahil 124 milya lamang ang layo nito sa kanila, kumpara sa China na 500 milya. At kung idadagdag pa ang mga pang-aabuso at pang-aagaw ng China sa mga likas na yaman dito, hindi maikakaila na sila nga ang mali. Sa taong 2013, kapit ang ebidensyang ito na magpapatunay na kanila nga ang tinutukoy na lugar, kanilang dinala ang kaso sa paglabag ng China sa kanilang soberanya sa West Philippine Sea. 12Ngunit halos isang buwan makalipas hamunin ng Pilipinas sa korte ang Tsina, sa kabila ng pagpirma sa kasunduan ng UNCLOS, ay agad naman itong tumanggi sa kadahilanang limitado lamang ang batayan ng desisyon ng organisasyong nabanggit.

    Magkaganunman, naituloy pa din ang arbitrasyon subalit tatlong taon ang nakalipas bago mailabas ang hatol. Hulyo 12, 2016 nang siyang paburan ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang Pilipinas laban sa China, kung saan 13kanilang inihayag na wala namang ligal na basehan ang ebidensyang pangkasaysayan ng China. Sinasabing ang arbitrasyon ay masusunod lamang kung ang dalawang panig na nagtatalo ay parehong nagkasundo na ipasakamay ang desisyon sa kasunduang kanilang sinang-ayunan. Kaya naman ang desisyong ito ng PCA ay hindi kinilala ng China dahil simula pa lamang ay 14hindi naman sila sumang-ayon na mangyari ang paghahatol na ito.

    Nagpatuloy ang bawat taon at hindi pa din naresolba ang alitang ito. Bakit nga ba ganito na lang ang kapit nila sa mga teritoryong ito? Maliban sa rason na ito ay makakadagdag sa nasasakop na teritoryo ng isang bansa, mayroon pang ibang dahilan ang mga bansa na rason kung bakit maaaring mas matimbang para sa kanilang itaya ang magandang koneksyon sa isa’t isa. 

    Una sa mga ito ay ang ikauunlad ng kalagayang pang-ekonomiya ng bansa. Ang West Philippine Sea ay kilala sa masagana nitong yamang pandagat. Dagdag pa dito, ang mga bato at islang nasasakop nito ay mayroong potensyal na makapagbigay ng benepisyo sa isang bansa, tulad ng training ground, military camp, o di kaya ay fishing zones. 

    Pangalawa ay Kapangyarihan. Ang mga parte ng South China Sea ay pinagtatalunan ng 15iba’t ibang bansa sa Timog-Silangang Asya tulad ng China, Taiwan, Malaysia, Philippines, Vietnam at Brunei. Kung may isa man sa kanila na mananalo sa kanilang laban, hindi maikakaila na ang pagkapanalong iyon ay maaaring maging dahilan para sila ay manalong muli o katakutan ng ibang bansa. 

    At ang huli ay historical values. Mayroong mga bansa na malakas ang impluwensya ng kultura at kasaysayan sa kasalukuyang pamumuhay. Para sa kanila, maaaring kaya lamang nila gusto makuha ang isang lugar ay dahil sa mga sentimyento ng kanilang mga nakaraan. Ilan lamang ang nabanggit dito ngunit posibleng marami pang rason ang mga bansa para ipaglaban ang mga lugar na, sa kanilang paniniwala ay, kanila.

    Nagpatuloy nga ang pag-aagawan at pakikialam ng mga bansa sa mga nangyayari sa teritoryong kanilang pinag-aagawan ngunit isang insidente ang naging dahilan para mas tumindi ang katayuan ng Pilipinas sa isyu na ito. 16Noong ika-11 ng Marso 2011, pinigil ng dalawang bangkang tagamatyag na mula sa China ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at (countryname), na siyang gaganapin sa Reed Bank. Ito ay nangyari sa pamamagitan ng pagtakot na aatakihin ang survey ship na kanilang ginagamit kung hindi ito ititigil. Dahil dito, 17napagdesisyunan ng dating pangulong Benigno Aquino III na palitan na ang pangalan ng mga teritoryo sa South China Sea na kabilang sa EEZ ng Pilipinas. Sa Administrative Order no. 29, ito nga opisyal ng pinangalanan na ‘West Philippine Sea’. 

    Samantala, isa naman sa pinakamainit na giriing nangyari sa pagitan ng dalawang bansa ay tumagal ng talong taon. 18Ito ay naganap mula Abril 2012 nang makakita ang Pilipinas ng mga bangka ng China na ginagamit sa pangingisda sa Scarborough Shoal. Ipinadala ng Pilipinas ang BRP Gregorio Del Pilar—ang pinakamalaki nilang barkong pandigma. Bilang sagot, ang China naman ay nagoadala ng sariling barko na nagbanta dito na umalis na sa lugar. Ito ay tumagal at natigil lamang nooong pumagitna na ang US at parehong pinaalis muna ang dalawang partido, ngunit ang Pilipinas lamang ang sumunod. 

    19Sa loob ng limang taon (2011-2015), ilan sa mga naranasan ng Pilipinas, sa kamay ng China, na pangdidisrespeto at pang-aagaw ng teritoryong ipinoproklama nilang kanila ay pagtataboy sa mga mangingisdang Pilipino (sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril at water cannon), pagtatayo ng mga istrukturang militar, pagpasok ng mga bangka at barkong pangisda, pagharang sa mga sasakyang Pilipino na makapasok sa Scarborough Shoal, at pagpapalayas sa mga barkong Pilipino.  

    Bagamat halos kilingan na ng lahat ng ligal na basehan ang argumento ng Pilipinas sa Scarborough Shoal, hindi pa din nila mapaalis ang China sa kanilang teritoryo. Ito ay dahil sa higit na kapangyarihang mayroon ang Tsina kaysa sa Pilipinas. 20Sinasabing ang kanilang ekonomiya ang pinakamabilis na paglaki sa mundo, na lumago at patuloyna lumalago ng humigit-kumulang sampung porsiyento sa nakalipas na 30 taon. At kung ang gulong ito ay mauuwi man sa giyera, maaaring hindi kayanin ng puwersa ng Pilipinas na tapatan ito, dahilan kaya kadalasan ay tumatalima na lamang sila sa kagustuhan ng China. 

    Sa kabilang banda naman, isang artikulo ang naisulat noong 2019 at inilalahad dito kung ano ang negatibong epekto ng kaso na isinampa ng Pilipinas sa arbitrasyon. 21Ayon dito, maaaring ang Pilipinas nga ay nabigyan ng eksklusibong karapatan sa Bajo de Masinloc, kaakibat naman nito ay ang pagsuko ng soberanya sa KIG at pag-isa-isahin ang itinatas na pag-angkin sa mga isla na siyang nasasakop ng EEZ ng Pilipinas. Dahil kung ang batas ng tribunal daw ang susundin, hindi maaaring maghayag ng pag-angkin ang isang bansa sa isang buong grupo ng mga isla at maritime features, indibidwal lamang. Kung titignan, ang KIG ay parte pa din ng Pilipinas ngayon, kaya maaaring ang hindi pasunod ng Pilipinas dito ay isa sa mga salik na nakaaapekto kung bakit hindi rin binibitawan ng China ang Scarborough Shoal. Dagdag pa dito, sinabi rin sa artikulong iyon kung paanong ang US ang namahala sa kaso at maaaring ito ay isa lamang sa kanilang plano para mapalawak ang international waters na daanan ng kanilang mga barko at hindi na kailanganing magpaaalam o magbayad pa sa ibang bansa para makadaan dito.

    Anumang anggulo ang tignan, hindi maiiwasang mapagkamalan na halos lahat ng kasali at may gampanin sa isyu na ito ay may kanya-kanyang layunin at/o personal na interes. 

    Higit sa lahat, sa kabila ng lahat ng nangyari, 22nitong 2020 lamang ay ipinaaalam ng Pilipinas at Tsina na ipinangangako nilang ayusin ang mga isyu at alitan na pumapagitna sa dalawang bansa. Sisiguraduhin din nila na sa abot ng kanilang makakaya ay kanilang pagtitibayin ang pagkakaibigan at kooperasyon sa bawat isa.

IV. BUOD

    Inilahad ng Tsina at Pilipinas ang kani-kanilang ebidensya na siyang magpapatunay sa kung sino nga ba ang tunay na dapat makakuha sa teritoryong iyon. Umabot pa ito sa puntong muntikan ng magkaroon ng digmaan ang dalawang bansa. Noong 2016, nanalo sa laban ng Scarborough Shoal ang Pilipinas ngunit hindi sang-ayon ang Tsina sa hatol na iyon kaya hanggang ngayon ay hindi pa din naisasaayos ang alitan tungkol sa West Philippine Sea. Dagdag pa dito, hindi rin isinuko ng Pilipinas ang KIG at indibidwal na ipinroklama o inangkin ang mga isla o bato na nasasakop ng kanilang EEZ, na siyang isinaad sa hatol ng tribunal. Ngunit kung ang pag-uusapan ay ang relasyon ng mga nasabing bansa, nakakagulat na napakaayos ng samahan ng dalawang lider na namumuno dito.

V. KONKLUSYON

    Kung ang mga ebidensyang nailahad ang pagbabatayan, kinikilala ng pandaigdigang batas na mas naaayon sa batas ang pinagbasehan ng Pilipinas sa kanilang apila. Dagdag pa dito, ligal ng naibigay ng Permanent Court of Arbitration sa Pilipinas ang karapatan na mangisda at kumuha ng likas na yaman sa Scarborough Shoal, ngunit dahil hindi nila sinunod ang kaaakibat nitong kondisyon at hindi rin nila kayang hamunin ang China, may kahirapan na paalisin ang mga ito sa naturing na teritoryo. Ang pagsuko sa ilang parte ng KIG na labas sa EEZ ay maaaring makatulobg dito ngunit kung kanilang nanaisin na makuha na talaga ang buong Scarborough Shoal, maaaring ang paraan na lang ay ang pagpapalago ng ekonomiya at puwersa na kayang tapatan ang sa China. 

    Ngunit kung iisipin, ang paghahabol ng Tsina at ang walang pasintabi nilang patuloy na paggamit at pagsakop ng lugar, kung saan sila ay walang karapatan, ay nakakatapak lamang sa soberanya ng Pilipinas. Dapat ay tigilan na nila ito at isuko na lamang ang laban sa parteng ito ng South China Sea.

VI. BIBLIYOGRAPIYA

https://en.wikipedia.org/wiki/South_China_Sea

https://amti.csis.org/scarborough-shoal/

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Kalayaan,_Palawan

https://www.japantimes.co.jp/opinion/2013/10/13/commentary/world-commentary/san-francisco-treaty-and-the-south-china-sea/

https://scroll.in/article/968918/how-did-the-south-china-sea-dispute-begin-and-where-is-it-headed

https://www.fmprc.gov.cn/mfa_eng/zxxx_662805/t1163264.shtml#:~:text=On%204%20September%201958%2C%20the,China%2C%20including%20...%20the

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1758/today-in-philippine-history-may-11-1956-tomas-cloma-took-possession-of-the-kalayaan-group-of-islands

http://kbl.org.ph/kalayaan-island-bought-for-one-peso-in-favor-of-the-filipino-people/

9https://www.officialgazette.gov.ph/1978/06/11/presidential-decree-no-1596-s-1978/

10 https://www.iucn.org/theme/marine-and-polar/our-work/international-ocean-governance/unclos

11 https://intl.denr.gov.ph/database-un-conventions/article/14#:~:text=The%20EEZ%20is%20an%20area,rights%20over%20its%20natural%20resources

12 https://globalchallenges.ch/issue/1/legal-victory-for-the-philippines-against-china-a-case-study/

13 https://economictimes.indiatimes.com/news/defence/philippines-malaysia-and-japan-take-on-china-over-illegal-territorial-claims-especially-the-south-china-sea/articleshow/76971387.cms

14 South China Sea: Respect Law and Facts rather than Tricks and Plots

15 https://theprint.in/theprint-essential/not-just-india-tibet-china-has-17-territorial-disputes-with-its-neighbours-on-land-sea/461115/

16 https://www.reuters.com/article/philippines-china-idAFSGE72604420110307

17 https://globalnation.inquirer.net/50012/its-official-aquino-signs-order-on-west-philippine-sea

18 https://www.businessinsider.com/the-philipines-newest-warship-is-in-a-standoff-with-two-chinese-ships-in-the-south-china-sea-2012-4?amp

19 https://pinoyweekly.org/2019/07/atin-ang-pinas/

20 https://newpresnya.ru/tl/osnovnye-prichiny-uspeha-kitaiskoi-ekonomiki-pochemu-mirovaya/

21 https://www.manilatimes.net/2019/09/04/opinion/columnists/topanalysis/ph-cant-have-its-kalayaan-island-group-arbitral-tribunal/610949/

22 China and Philippines affirm ties after South China Sea spat - Nikkei Asia


P. Joshielle

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas

Political Dynasty sa Pilipinas