Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas
Ano ang Pinakamahalagang Kontemporaryong
Isyu sa Pilipinas ngayon?
Para sa akin, ang pinakamahalaga dito ay ang korapsyon. Una sa lahat, ano nga
ba ang ibig sabihin ng salitang ‘korapsyon’? Ayon sa presentasyon ni Allyssa Unilongo, ito ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan sa responsibilidad at may mga uri ito: a) pagtakas sa pagbabayad ng buwis; b) mga ghost project at pasahod; c)pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mgakontrata; d)pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa; e) nepotismo at paboritismo; f) pangingikil; g) suhol o lagay.
Opo, kasama sa mga nilista ko ang Covid-19 at isa iyon sa mga pinakamahalagang isyu ngayon ngunit dahil hindi na natin ito basta bastang mapipigilan sa isang iglap ngayong malala na ito at hindi na masyadong disiplinado ang mga tao ukol dito. Mas pinili kong bigyang pansin ang korapsyon sakadahilanang, para sa akin, kung kakayanin ng gobyerno na wakasan ito, mas mabilis na masusugpo ng ating bansa ang pandemya. Ang Pilipinas ay kabilang ngayon sa mga bansang may pandemya na Covid-19 at hindi nakakatulong sa bansa na may mga buwayang opisyal sa mga sangay ng gobyerno na pinagsasamantalahan ang pangyayaring ito para sa kanilang personal na kagustuhan imbis na nagagamit ang pondong ito para sa ikabubuti ng lagay ng mga covid-19 patients and PUIs.
Isa pa, kaakibat ng sakaling pagkatanggal sa pwesto ng mga corrupt officials, tulad ng mga pulis na tumatanggap ng lagay at mga opisyal ng gobyerno na nagpapasa ng proyekto ngunit hindi naman talaga ganung kalaking pera ang kailangan na minsan pa ay hindi talaga ginagawa, mas mapapanatili natin ang pagkaorganisa ng bansa dahil nakukulong ang dapat ikulong at nagagamit sa tama ang pera ng bayan.
Isang halimbawa ng isyu na ito ay ang nangyari sa PhilHealth kamakailan lamang. Ayon kay Thorsson Montes Keith, na isang anti-fraud officer na nagbitiw sa pwesto, isang mafia, kabilang pati ang mga executive committee ng PhilHealth ay nagnakaw ng tinatayang P15 billion sa ahensiya gamit ang iba’t ibang mapanlokong proyekto. Dagdag pa rito, sinasabi ding pagdating ng taong 2022 ay maaaring wala ng sapat na pondo ang ahensya para ipagpatuloy ang operasyon nito. Sa kabila naman ng isyung ito, Ipinapangako ng Pangulong Duterte na mananagot ang sinumang mang mapatunayang sangkot sa mga anomalya.
Kung iisipin, kung matututo lamang ang bawat tao na isiping gawin ang nakabubuti para sa lahat, ang mga ganitong problema ay madali na sanang solusyonan. Nakakalungkot na mas ninanais nilang sila lamang ang magkaroon ng maayos na kalagayan kaysa sa makakita sila ng pambansang kaayusan at kaunlaran.
P. Joshielle
Sources:
https://prezi.com/gnt-s9lfs7ud/korupsiyon/
https://www.onenews.ph/philhealth-officials-face-p15-billion-fraud-other-allegations-funds-seen-to-run-out-by-2022
https://news.abs-cbn.com/news/08/25/20/duterte-ipakukulong-ang-mga-sangkot-sa-anomalya-sa-philhealth
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento