Mga Nakaraang Kalamidad: Reaksiyon

 a. Bagyo

Source: https://newsinfo.inquirer.net/1361580/damage-caused-by-ulysses-in-marikina-city-estimated-at-p30b

Reaction:

    Ang Bagyong Ulysses ay masasabi nating isa sa pinakamakapinsalang bagyo na tumama sa ating bansa ngayong taon. Maraming buhay ang nawala dahil sa mga naging epekto nito dahilan kaya ako ay natatakot para sa ating mga kalagayan. Buhay, bahay, at kabuhayan ang kinuha nito sa ilan nating kababayan at alam din nating malaki ang tyansa na hindi ito ang huling bagyo na ating matatamasa. Ulit ulit na lang ba ang mangyayari? Ilang buhay ba ang kailangan isakripisyo bago tayo kumilos? Opo at hindi natin mapipigilan ang kalamidad ngunit may magagawa pa tayo para kahit papaano ay maging ligtas ang lahat sa gitna ng bagyo. Aking hinihiling na sana ay magkaisa na ang mga tao at otoridad. Sana ay unawain na nila ang isa’t isa at magtulong tulong na makabuo ng solusyon para dito.

b. Baha

Source: https://www.nytimes.com/2020/11/18/world/asia/philippines-floods-photos.html

Reaction:

    Traydor nga talaga ang bagyo. Nakakalungkot dahil hindi naman pala kasama ang kanilang lugar sa dadaanan ng bagyo ngunit ngayon sila pa ang isa sa pinakanaapektuhan nito na nagdulot ng matinding pagbaha. Ito ay lumagpas pa sa kanilang bubong noong pakawalan ang nag-uumapa na tubig sa dam na kanilang kalapit dahilan para ang mga bata at matatanda ay mapilitang umakyat ng bubong at doon manatili hanggat delikado pa ang sitwasyon. Ang hirap isipin na ganito ang kanilang naging kalagayan doon, hindi ko man naranasan, ngunit noong kasagsagan ng bagyong ito, ramdam ko ang kanilang sakit at hinagpis. Bagamat ganito man ang nangyari, ako ay nagpapasalamat dahil marami pa ding tao na may kabutihan sa kanilang puso na handang tumulong sa mga nangangailangan.

c. Lindol

Source: https://news.abs-cbn.com/news/08/18/20/magnitude-66-na-lindol-tumama-sa-masbate-pinsala-naitala

Reaction:

    Hindi pa ako nakakaranas ng isang lindol, at hindi ko hihilingin na maranasan ito, nguniti ilangbeses man ako makabalita ng epekto ng lindol lagi pa din akong nagugulat sa epekto nito. Alam ko na nakakatakot ito subalit hindi ko inaasahan ang laki ng pinsala nito sa isang lugar. Nakakalungkotdin dahil alam kong ang mga gumuhong mga establisyemento, bahay, at imprastrakturana nagdulot ng panganib sa mga tao dito ay may malaking epekto na habangbuhay makaapekto sa kanilang buhay.Hindi siya biro kaya nakakapagod man na ulit-ulit marinig ang mga paalala at babala tungkol dito dapat pa din talaga natin itong seryosohin dahil mas mabuti na tayo ay handa sa trahedyang hindi dadating kaysa magulantang sa isa.

d. Landslide

Source: https://tribune.net.ph/index.php/2020/11/13/5-patay-sa-landslide-sa-ifugao/

Reaction:

    Nakakalungkot at nakakatakot ito dahil isang sandali, normal pa ang lahat at ginagawa lang nila ang mga normal na gawain nila. Dagdag pa dito, ang dalawang inhinyerong nasawi ay nagounta lamang doon para sa kanilang aayusin. Sino nga ba ang mag-aakala na ang susunod ay nasa ilalim na sila ng mga bato at hindi makahinga. Hindi talaga natin inaasahan ang mga mangyayari kaya dapat ay lagi tayong nagiging maingat sa mga desisyon at aksyon na ating ginagawa. Hanggat maaari sana ay, tuwing may bagyo, siguraduhin nating tayo ay nasa isang stable at ligtas na lugar.

e. Storm Surge

Source: https://news.abs-cbn.com/news/multimedia/photo/11/12/20/barge-damages-navotas-bridge-after-storm-surge

Reaction:

    Kung ako ang nasa kanilang sitwasyon, siguro ako ay matatakot makakita ng bangka na tatama sa tulay. Buti na lamang, hindi tao ang pasahero nito kundi mga produkto. Ako ay nagpapasalamat din na walang nasaktan at naapektuhan na mga mamamayan na naglalakad at nakasasakyan na dumadaan sa tulay. Nakakapanghinayang man ang nasira na tulay at ilang produkto,masisiguro naman natin na gagawin ng local na pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya. Sana ngayon ay naipaayos na nila ito para maging ligtas na ulit gamitin ang naturing na tulay.

f. Pagputok ng Bulkan

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/12/20/bulkang-taal-nag-alboroto-mga-residente-pinalilikas

Reaction:

    Nakakagulat dahil matagal ng hindi pumuputok ang Bulkang Taal. Ako ay nakikisimpatya sa mga namatayan. Sa aking palagay, dapat na talagang lumipat ng lugar ng mga nakatira dito para sa kanilang kaligtasan. Sana ay makagawa ang gobyerno ng programa kung saan maililipat na sa disenteng bahay ang mga taong orihinal na nakatira sa mga delikadong lugar tulad nga ng sa paanan ng mga bulkan, sa bundok na may sobrang lambot na lupa, at iba pa, para maiwasan na ang mga biglaang paglikas na ganito kung kalian mismo nagaganap ang kalamidad. Hindi man ito magiging madali pero alam ko na kung ang mga tao ay magkakaisa, dadating ang panahon na aayos din ito at sila ay makaka-adjust.


P. Joshielle

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas

Political Dynasty sa Pilipinas