Terorismo sa Pilipinas
Nakakatakot na ang terorismo sa ating bansa. Sinasabing suicide bombing na daw ang bagong mukha nito. Nakakalungkot na ang terorismo dito sa atin ay umaabot na sa puntong handa na ang mga tao na kitilin ang sarili nilang buhay, para lamang maiparating ang mensahe ng grupo ng mga terorista.
Sana ay matapos na ito. Masyado ng maraming buhay ang nadadamay dahil dito. Ang mga taong tunay na ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa maayos at mapayapang paraan ay napagkakamalan na din ng iba bilang isang terorista. Ito ay hindi maganda dahil malalagay sa panganib ang kaniyang buhay at maaari siyang makulong o patayin ng kung sino man. Isa pa ay ang mga estudyanteng aktibista at hindi. Laganap ngayon ang balita tungkol sa mga paaralan na tinukoy bilang recruitment zone ng mga terorista. Ang pagrered tag na ito sa mga estudyante o dating estudyante ng mga unibersidad tulad ng UP at PUP ay maaaring magdala ng takot sa bawat estudyante na ipahayag ang kanilang lohikal na political na pananaw. Ikatlo ay ang mga collateral damage na siyang mga biktima lamang ng mga pagsabog at kaguluhang na nangyayari sa paligid. Nakakahinayang ang bawat buhay na nasasayang at nawawala dahil sa alitang ito.
Sa palagay ko, maganda na mayroong mga batas at programa ang gobyerno para maiwasan ang ganitong mga pangyayari ngunit sana ay ayusin nila ito. Sana ay masiguro nila na walang inosenteng madadamay kung sakali man na sila ay gumawa ng hakbang laban sa mga terorista. Dapat ay pag-isipan nila itong Mabuti. Dahil hindi tulad ng mga terorista, sila ay mayroong kaligtasan ng sambayanang dapat ikonsidera at isaalang-alang sa bawat kilos nilang gagawin.
P. Joshielle
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento