Kailangan na nating kumilos, ang oras ay nauubos...

    Pamilyar ka ba sa salitang climate change? Maaaring alam mo na kung ano iyon, pero naiintindihan mo ba? Kung oo, kumikilos ka na ba?

    Ang climate change ay ang pagbabago ng klima sa di-pangkaraniwang paraan. Hindi ito isang haka-haka lamang. Ito ay may pangmatagalang epekto, tulad ng matinding pag-init ng mundo, na maaring magdulot ng mas malalang delubyo. Ang kadalasang sanhi naman nito ay  ang labis na paggamit ng fossil fuels (tulad ng coal at oil) na naglalabas ng greenhouse gases (tulad ng Carbon dioxide), pagpuputol ng mga puno, at ang pagpatay sa mga hayop, na siyang dapat kumukuha ng mga CO2. Kasi kapag nakarating na sa atmosphere ang higit sa normal na dami ng greenhouse gases, higit sa normal din ang init na maaabsorb nito mula sa enerhiya ng araw, na siyang magiging dahilan kung bakit mas umiinit ang mundo. 

    Nabalitaan mo ba ang  wildfire sa Amazon Rainforest noong 2019? Bushfire sa Australia last year? Mga patuloy na natutunaw na glaciers? Ilan lamang yan sa mga naging epekto nito sa mundo. Paano nga ba nito naapektuhan ang Pilipinas? Naaalala mo ba sina Bagyong Ondoy, Yolanda, Ulysses, at iba pang bagyo na nag-iwan ng marka sa atin? Sila ay malakas, oo, ngunit dahil sa mas matinding init ng karagatan, lalo nitong napalakas ang hagupit ng mga bagyo. Sunod naman ay ang pagtaas ng lebel ng tubig (rising sea level), na dulot ng mga natunaw na glaciers sa Antartica. Kapag tumaas ang lebel ng tubig, ang mga lugar na karatig nito ay malalagay sa alanganin. Ang mga bukirin ay maaring bahain at masira ang mga pananim. Ang mga bahay naman sa tabing-dagat ay maaring makaranas ng mas malalang storm surge at hindi din imposibleng malubog ang mga kabahayan.

    Batay sa ulat noong Oktubre 2020, 7,348 ang bilang ng mga matitinding sakuna, na may kaugnayan sa climate change, na naranasan ng mundo mula taong 2000 hanggang kasulukuyan. Kung titignan, mukha namang hindi mataas ang mga numerong iyon noh? pero kung ating iisipin, ang isang sakuna ay napakatindi na ng dulot sa ating kabuhayan...paano pa ang pitong libo mahigit sa loob ng 20 na taon? Sa ganitong sistema, hindi malabong mas tumindi pa ang mga ito sa susunod na mga taon. Ilan sa mga dahilan ay natural na pangyayari na hindi natin makokontrol, kaya ito ang ilang mga bagay kung saan tayo ay may magagawa: 1.) Magtanim ng mga puno at halaman; 2.) Bawasan ang pagkain ng karne. Kung maari, mga organic na pagkain ang kainin; 3.) Huwag sunugin ang mga basura, ibaon na lamang ito sa lupa; 4.) Iwasan ang paggamit ng mga plastic, kung maaari ay mga reusable sana ang gamitin; 5.) Save some energy; 6.) Iwasan din ang paggamit ng mga sasakyan kung malapit lang naman ang pupuntahan; 7.) Speak up, dahil sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iba, maaari ka na ding makatulong. 

    Aantayin pa ba natin masira ang lahat bago tayo gumawa ng aksyon? Hikayatin din natin ang ating mga pamilya at kaibigan na gawin ang ilan sa mga nabanggit na paraan upang makatulong sa kalikasan, maaring gamit ang social media campaigns o simpleng pangungumbinsi. Panahon na para tayo naman ang mag-alaga sa kanya. Sabi nga ni Vincent Van Gogh, "Great things are not done by impulse, but by a series of small things brought together". Kaya simulan natin ito sa ating mga sarili, halina at makiisa...

P. Joshielle

photos are not mine. respective credits are indicated in the photo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas

Political Dynasty sa Pilipinas