Globalisasyon: summary paper
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa malaya at malawak na koneksyon sa mga gawaing pampulitika, pangkultura, panteknolohiya, pang-ekonomiya, at panlipunan ng mga tao at gobyerno sa buong mundo. Umusbong at patuloy na lumalaganap ang kilos na ito sa tulong ng mga pandaigdigang gawain at interaksyon sa pagitan ng mga bansa, tulad ng pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan, paglawak ng kalakalan ng trans-national corporations, pagdami ng foreign direct investments, paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi, pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigang transportasyon at komunikasyon, at paglaganap ng makabagong teknolohiya. May limang aspeto din ang globalisasyon. Ito ay ang komunikasyon, paglalakbay, popular na kultura, ekonomiya, at pulitika. Ang mga nabanggit ay ang nagsisilbing pamamamaraan para lumago at mapalawig ang ekonomiya at kultura ng isang bansa. Ang gawaing ito ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto para sa iba’t iban...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento