Globalisasyon

 1. Ano ang mahihinuha mo mula sa larawan?

    - Mula sa lalrawan mahihinuha ko ang mga mabubuti at masamang epekto ng globalisasyon pati na ang kahulugan nito. At batay dito, masasabi kong ang globalisasyon ay sapot ng koneksyon ng iba’t ibang bans ana maaaring magdulot ng ikauunlad o ikababagsak ng inyong bansa.

2. Ano ang kahulugan ng globalisasyon? Nakabubuti ba ito o nakasasama sa mga tao at mga bansa?

    - Ang globalisasyon ay tumutukoy sa interaksyon at koneksyon ng mga tao at gobyerno sa buong mundo. Sa aking pananaw, ito ay parehong nakabubuti at nakasasama sa isang bansa at sa mga taong naninirahan dito. Tulad na lamang nito, ang mga kultura mula sa iba’t ibang bansa ay maganda at maaaring magpayaman ng kultura ng isang bansa ngunit maari din itong maging dahilan ng sobrang pagtangkilik ng mga tao sa kulltura ng iba at baka malimutan na nila ang sariling kultura. Pagkakaroon ng magandang koneksyon at tulong mula sa ibang bansa tulad ng pag unlad ng ating ekonomiya at pagganda/pagiging hightech ng ating mga kagamitan ay isa sa mga kagandahan nito. Sa kabilang banda, maaaring ang ating bansa ay dumepende na sa iba kapag ito ay nakasanayan na maaari din namang magdulot ng pagkawalang soberanya ng mga tao. Dahil dito, masasabi kong ang epekto ng globalisasyon sa iba’t iabng bansa ay iba-iba din, nasa pinuno na lamang kung paano niya ito gagamitin pabor sa kanyang kinasasakupan.


P. Joshielle

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas