Diskriminasyon: Ang Aking Karanasan
Noong ako ay nag-aaral sa elementarya, masasabing isa ako sa mga nangunguna sa klase. Lumalaban sa mga paligsahan sa labas ng paaralan at may matataas na grado. Sinasabi ng ilan kong mga kaklase sa akin na ako ay ‘masyadong seryoso’, ‘puro aral’, ‘tahimik’, ‘kj’. Noong una ay hindi ko pinansin, hindi naman ako malapit sa kanila eh, ano namang pakialam ko. Hanggang sa isang araw, nagkaayaan ang aking mga kaibigan na pumunta sa bahay ng kaklase ko. Inaya ako, at kapag nagsabi ako sa magulang ko, alam kong papayagan nila ako. Subalit hindi ako sumama. Naiintindihan ito ng mga kaibigan ko. Hindi naman nila ako pinilit, inasar, o ginuilt trip, pero dito, napaisip ako, talaga bang hindi ako marunong magsaya? Sinubukan ko. Sinubukan kong sumama sa mga lakad at sinubukan kong hindi masyadong seryosohin ang pag-aaral ko. Ako ay nagpadala saglit sa agos nila dahil hindi din katagalan, naisip ko, maaaring masaya nga iyon ngunit hindi iyon ang pagkatao ...